USM delivers EME training in Region XII; British Council funds ACT-IHE project
July 22, 2022USM Faculty Publish Locally-Funded Research
July 23, 2022Kasalukuyang ginaganap ang sampung araw na “Erumanen ne Menuvu Language Users in Schools: In-Service Teacher’s Training Workshop” sa DD Clemente Hall, USM, Kabacan, Cotabato. Nagsimula ito noong Hulyo 18-28, 2022.
Pinangunahan ito ng Sentro ng Wika at Kultura at Graduate School ng USM kasama ang Multicultural Indigenous Peoples Center for Research, Education and Development (MIPCRED).
Katuwang sa workshop na ito ang University of the Philippines -Diliman, sa pangunguna ni Dr. Ricardo Ma. D. Nolasco, isang retiradong propesor sa Linguistics; Bb. Victoria T. Corpuz, ang Executive Director ng Tebtebba Foundation; Timuay Ronaldo Ambangan, ang Secretary General ng Erumanen ne Menuvu KAMAL; at Dr. Billy S. Pobre, isang Erumanen ne Menuvu na guro mula sa Department of Education, Cotabato Division.
Nilahukan ito ng mga DepEd IP Teachers at IP Elders mula sa sangay ng Cotabato, Bukidnon at BARMM. Layunin ng workshop na mapayaman at magamit ang wikang Erumanen ne Menuvu sa pagbuo ng mga kagamitang pampagtuturo alinsunod sa ipinapatupad na Mother Tongue Based-Multilingual Education sa Basic Education ng Department of Education.