USM, Pinaigting ang Ugnayan sa mga LGU para sa mga Proyektong Pangkatutubo

Three USM Colleges Explore Student Exchange in Vietnam

June 9, 2026

Three USM Colleges Explore Student Exchange in Vietnam

June 9, 2026

Pinaigting ng USM-Sentro ng Wika at Kultura (USM-SWK) ang ugnayan nito sa mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Sultan Kudarat upang isulong ang mga proyektong pangkatutubo at iba pang serbisyong maaaring maibigay ng Pamantasan, katuwang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Kaugnay nito, nagsagawa ng courtesy call sina Dr. Radji A. Macatabon, Direktor ng USM-SWK, kasama sina Susan S. Martinez, Direktor ng USM-KEPLRC; Roselyn M. Clemen, USM-GAD Focal Person; at Dr. Norquez M. Mangindra, fakulti ng USM-College of Education (CED). Layunin ng nasabing pagbisita ang higit pang pagpapatibay ng ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at ang pagbabahagi ng mga panukalang proyektong pangwika ng pamantasan.

Isa sa mga pangunahing layunin ng inisyatiba ay ang pagbuo ng ortograpiya ng katutubong wikang Manobo Dulangan—isang mahalagang hakbang sa pangangalaga, pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng katutubong wika at kultura.

Kabilang sa mga binisitang lokal na pamahalaan ang mga bayan ng Bagumbayan, Lebak, Kalamansig, Palimbang, at Senator Ninoy Aquino, na pawang may komunidad ng katutubong Manobo Dulangan. Inaasahan na sa pamamagitan ng kolaborasyong ito ay higit pang mapapalakas ang mga programang pangkultura at pang-edukasyon para sa kapakinabangan ng mga katutubong pamayanan.
Text: Jolly D. Samulde | SWK Staff

Loynei Frias Sumalinog

Loynei Frias Sumalinog

Loy has a habit of buying books more often than actually reading them. Also, he sets reminder to only drink two cups of coffee in a day, and forgets it every time.