
PFST, USM Capacitate Non-Science Major Teachers Through PSC Exhibit-Based Lessons, Lab in a Box
April 30, 2026
USM Completes 2025 COA Audit
May 4, 2026
Matagumpay na isinagawa ng University of Southern Mindanao ang PASUNDAYAG: Isang Multilinggwal Seminar-Workshop sa Pagsulat ng Maikling Kuwento at Tula noong 29 Abril 2026 sa ESO Conference Room at sa online na daluyan sa pamamagitan ng Zoom. Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng Sentro ng Wika at Kultura katuwang ang tanggapan ng Gender and Development, Extension Services Office, at ang Kundo E. Pahm Learning Resources.


Bahagi ito ng pakikiisa sa pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026 na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino na may temang “Bekët Panitikan: Para sa Katwiran at Kalikasan.” Tampok sa PASUNDAYAG ang seminar-workshop na dinaluhan ng mga estudyanteng manunulat at mga nangangarap na maging manunulat ng pamantasan. Samantala, sa Zoom ay nakilahok din ang iba pang mga estudyante ng pamantasan at mga guro mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
Nagbahagi ng kaalaman sa pagsulat ng maikling kuwento at tula ang mga tagapagsalita na sina Dr. Lita A. Bacalla, propesor ng Cebu Normal University, at Dr. Ricardo Ma. Duran Nolasco, retiradong propesor ng University of the Philippines Diliman. Ang kanilang mga talakay ay nagbigay ng dagdag-kaalaman sa mga kalahok upang higit pang malinang ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng maikling kuwento at tula.
Text: Jolly D. Samulde






