
USM Celebrates National Book Week, Launches new Library Logo
December 5, 2025
USM Receives Plaque of Appreciation from DICT
December 9, 2025
Dumalo si Dr. Radji A. Macatabon, Direktor ng USM–Sentro ng Wika at Kultura sa KWF Pagpupulong 2026 na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Disyembre 2–3, 2025 sa Tagaytay Haven Hotel, Santa Rosa, Silang, Cavite. Ang pagtitipong ito ay dinaluhan ng iba’t ibang direktor at kinatawan mula sa mga Sentro ng Wika at Kultura (SWK) sa buong bansa na may layuning pagtibayin ang direksiyon at implementasyon ng mga programang pangwika para sa susunod na taon.

Ang layunin ng naturang pagpupulong ay ang maisapinal ang mga Programa, Aktibidad, at Proyekto (PAPs)ng mga SWK sa pamamagitan ng maayos na paghahanda ng mga panukalang proyekto at kalendaryo ng mga gawain para sa taong 2026. Tinalakay dito ang mga inisyatibang nakahanay sa pagpapalakas ng promosyon, dokumentasyon, at pagpapaunlad ng wikang Filipino at iba pang katutubong wika ng bansa.
Bukod dito, binigyang-diin ng pagpupulong ang pangangailangang matiyak na ang lahat ng PAPs ay umaayon sa mandato ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), pati na rin sa umiiral na mga polisyang pangwika at mga probisyong nakapaloob sa Memorandum na Kasunduan (MoU) sa pagitan ng KWF at mga institusyong katuwang nito.



Bilang kinatawan ng USM-SWK, aktibong nakibahagi si Dr. Macatabon sa mga talakayan ukol sa pagpapalawak ng mga proyekto sa wika at kultura, pagbuo ng mas matatag na mekanismo sa dokumentasyon ng mga wika sa rehiyon, at paglikha ng mga gawaing higit pang magpapalapit sa pamayanan sa mga programang pangwika.
Ang pagdalo ni Dr. Macatabon sa KWF Pagpupulong 2026 ay nagpapatunay sa patuloy na pangako ng USM-SWK sa pagsusulong ng wika at kultura, at sa aktibong pakikipagtulungan sa mga pambansang inisyatiba para sa pagtataguyod ng mas inklusibo at makabuluhang mga programang pangwika.



Text: Jolly Samulde | SWK Staff
