KWF, USM-SWK, Nagsagawa ng Seminar-Workshop sa Ortograpiyang Pambansa, Korespondensiya Opisyal

Sambay P. Mla of USM Highlights Culturally-Informed Pedagogy at International Conference
October 21, 2025
Fhonnalyn Eyong Selected for International Lucy Tierk Shoham Scholarship 
October 21, 2025
Sambay P. Mla of USM Highlights Culturally-Informed Pedagogy at International Conference
October 21, 2025
Fhonnalyn Eyong Selected for International Lucy Tierk Shoham Scholarship 
October 21, 2025

Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) katuwang ang Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng University of Southern Mindanao (USM) ay matagumpay na nagsagawa ng Seminar-Workshop sa Ortograpiyang Pambansa at Korespondensiya Opisyal noong Oktubre 15–16, 2025 sa USM Commercial Building. Dinaluhan ito ng mga guro mula sa Schools Division Office (SDO) ng Kidapawan City at SDO Cotabato.

Ang seminar-workshop na isinagawa alinsunod sa Memorandum Sirkular Blg. 2023-053 na inendoso ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) at CSC Patalastas Blg. 04, s. 2023, na nagtataguyod ng pagsuporta at pakikiisa sa paggamit ng Wikang Filipino sa opisyal na komunikasyon at korespondensiya.

Bahagi ito ng programa ng KWF na “Pagsasanay, Palihan, at Pagpaplano” na ginanap noong Oktubre 14–17, 2025 sa University of Southern Mindanao. Pinangunahan ang gawain ng Tagapangulo ng KWF, Komisyoner Atty. Marites A. Barrios-Taran.

Naging pangunahing tagapanayam sa seminar si Dr. Jose Evie G. Duclay, Linguistics Specialist II mula sa Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ng KWF, na tinalakay ang mga paksang Ortograpiyang Pambansa at Korespondensiya Opisyal.

Kabilang din sa mga tinalakay na paksa ang Lektura sa Baybayin na ipinresenta ni G. Jose Jaime R. Enage; Lektura sa Pinagyamang Baybayin na ibinahagi ni Dr. Joel B. Lopez; at Lektura sa Filipino Sign Language (FSL) at adbokasiya ng Republic Act No. 11106 na tinalakay ni G. Patrick Bryan Q. Ablaza, isang Senior Deaf Language Advocacy Officer.

Sa kabuuan, layunin ng seminar-workshop na higit pang palawakin ang kaalaman ng mga guro at kawani ng pamahalaan sa tamang paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na komunikasyon, gayundin ang pagpapalaganap ng mga katutubong sistema ng pagsulat at komunikasyon bilang bahagi ng pambansang identidad.

Text: USM Sentro ng Wika at Kultura

Loynei Frias Sumalinog
Loynei Frias Sumalinog
Loy spends most of his time gardening during weekends. He has a habit of buying books more often than actually reading them. Also, he sets reminder to only drink two cups of coffee in a day, and forgets it every time.