
USMart TBI Inaugurated During DOST Sec. Solidum’s Milestone Visit to USM
September 17, 2025
USM Joins 2nd Executive Forum 2025, earns awards in sports activities
September 22, 2025
Itinampok sa isang segment ng Radyo Agila kasama ang Komisyon sa Wikang Pilipino (KWF) si Radji A. Macatabon, Direktor ng Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng University of Southern Mindanao (USM),noong September 18, 2025.
Sa panayam, tinalakay ni Macatabon ang mga pangunahing proyekto at gawain ng SWK. Isa na rito ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Buwan ng Panitikan. Sa selebrasyon ng Buwan ng Wika, ini-highlight niya ang pagsasagawa ng Lakbay Silid-Aklatan sa pakikipagtulungan ng Kundo E. Pahm Learning Resource Center (KEPLRC) ng pamantasan, kung saan inilunsad ang mga Aklat ng Bayan na ipinamahagi ng KWF.
Binigyang-diin rin ni Macatabon na hindi lang dapat sa buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika kundi sa bawat buwan ng buong taon. Dagdag pa rito, ibinahagi niya ang iba pang mga proyekto at programa ng SWK na nakatuon sa pagsusulong ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika, gayundin ang pagpapaunlad ng pananaliksik at gawaing pangkultura sa pamantasan at mga pamayanan.
Ang panayam ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang higit na maipakilala sa pambansang antas ang mga inisyatiba ng USM-SWK sa larangan ng wika at kultura. Pinatutunayan nito ang aktibong pakikiisa ng pamantasan sa adbokasiya ng KWF na itaguyod ang wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa.



Text: Jolly D. Samulde