Programang Lakbay Silid-Aklatan: Turnover ng mga Aklat ng Bayan sa Tulunan NHS

USM Visits Governor Mendoza
November 4, 2025
USM Wins Second Overall in MASTS Sports, Socio-Cultural Categories
November 4, 2025
USM Visits Governor Mendoza
November 4, 2025
USM Wins Second Overall in MASTS Sports, Socio-Cultural Categories
November 4, 2025

Sa pagpapatuloy ng programang Lakbay Silid-Aklatan na handog ng Kundo E. Pahm Learning Resource Center (KEPLRC) at Sentro ng Wika at Kultura (SWK) ng University of Southern Mindanao (USM), matagumpay na isinagawa ang turnover ng mga aklat mula sa M’lang National High School patungo sa Tulunan National High School noong Nobyembre 3, 2025.

Pinangunahan ang programa nina Prof. Susan S. Martinez, Direktor ng USM-KEPLRC, at Dr. Radji A. Macatabon, Direktor ng USM-SWK, na kapwa naglalayong mapalawig ang adbokasiya ng unibersidad sa pagpapalaganap ng literasiya, wika, at kultura sa mga pamayanan.

Buong puso ang pagtanggap ng Tulunan NHS sa programang hatid ng USM, lalo na ang mainit na pagtanggap ng Assistant Principal ng paaralan na si Gng, Julie C. Hinaut, gayundin ng kanilang Librarian na si Bb. Daisy Gabriel. Nakiisa rin sa aktibidad ang mga guro ng Tulunan NHS, partikular ang mga guro sa Filipino, at ilang mag-aaral na pinangunahan ng Pangulo ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) na si Kent Xyrus Tacdoro.

Ang nasabing gawain ay may temang “Paglalakbay ng Aklat, Wika, at Kultura tungo sa Pamayanan”, na naglalayong maipakalat at maiparating ang mga Aklat ng Bayan na ibinahagi ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa iba’t ibang mataas na paaralan sa lalawigan ng Cotabato. Layunin nitong higit pang mapaunlad ang literasiya, pagpapahalaga sa wikang Filipino, at kulturang pambansa sa hanay ng mga kabataan.

Jolly D. Samulde

Jimwell Pande
Jimwell Pande
Extension Editor & Staff